Usap-usapan ang pag-urirat ni Diamond Star Maricel Soriano sa "Linlang" co-star na si Kim Chiu tungkol sa kaniyang pinag-uusapang love life ngayon.

Nag-collab ang dalawa sa ">YouTube channel ni Marya at naging "Yaya for a Day" ni Kimmy.

Nag-segway ng tanong si Taray Queen kung kumusta na ba ang love life ng bagong anak-anakan.

"Ang dami-daming nagbubulungan. Kumusta daw love life mo?" tanong ni Maricel. "Tinatanong nila love life mo eh. Hindi naman ako makasagot dahil hindi naman ako ikaw."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Saglit na napahinto si Kim at sinabi niyang ang love life daw niya ay naka-hang.

"Ang love life ko ngayon ay ano," sey ni Kimmy na naputol dahil napabunghalit siya ng tawa.  "Ang love life ko ay naka-hang ngayon."

"Parang telepono 'day? Naka-hang?" hirit ni Marya.

Natawa na lamang si Kimmy bago sila nagdesisyong kumain na lang.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa malinaw at kumpirmado kung hiwalay na ba sila ni Kapuso actor na si Xian Lim.

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

MAKI-BALITA: Kim Chiu, pinaasa lang daw ni Xian Lim