Isa nang ganap na bagyo o tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at pinangalanan itong “Kabayan,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Disyembre 17.
Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, iniulat ni Weather Specialist Patrick Del Mundo na nabuo bilang bagyo ang LPA dakong 2:00 ng madaling araw nitong Linggo.
Huli itong namataan ang naturang tropical depression 460 kilometro ang layo sa East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang maximum sustained winds na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Visayas:
- Southern portion ng Samar (Basey, Santa Rita, Marabut
- Southern portion ng Eastern Samar (Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, Mercedes)
- Eastern at southern portions ng Leyte (Mahaplag, Abuyog, Javier, Macarthur, Tabontabon, La Paz, Mayorga, Tolosa, Tanauan, Julita, Dulag, Palo, Tacloban City, Babatngon, Matalom, Hilongos, Bato)
- Southern Leyte
Mindanao:
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Northern at eastern portions ng Agusan del Sur (Bunawan, San Francisco, City of Bayugan, Esperanza, Talacogon, Rosario, Sibagat, Prosperidad, San Luis, Trento)
- Northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel)
- Eastern portion ng Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay, Medina, Talisayan, Balingoan, Kinoguitan)
- Camiguin