Dinagsa ng reaksiyon ang komento ng asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce sa latest pictures ni Barbie Imperial sa Instagram.

Sa Instagram post ni Barbie noong Biyernes, Disyembre 15, makikita ang isa sa mga larawan niya na parang kinakamot niya ang kaniyang tagiliran.

"welcome back serena," caption niya rito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sey tuloy ni Neil: “May allergy ka? Bat kamot ka ng kamot?”

Photo courtesy: Screenshot from Barbie Imperial (IG)

Wala namang naging tugon dito si Barbie pero may mga netizen na nagbigay ng reaksiyon sa komentong ito ni Neil. Narito ang ilan:

“@neil_arce 😂😂😂”

“@neil_arce kamusta na po si Miss Angel?”

“@neil_arce kayo pa ba ni Miss Angel bat kapo andito 🤣”

“@neil_arce may asawa kana po”

“@neil_arce sir neil aginaldo mo na sa amin, pakita mo na si miss @therealangellocsin 😢”

“MAKATI kasi kaya nagkakamot 🤪😜”

“@neil_arce HAHAHA”

“@neil_arce AGOY SAKPAN DRI BAYA MAGSUGOD ANG TANAN”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mahigit 151k na ang heart reactions ng nasabing post ni Barbie.