Trending sa X ang pangalan ng komedyanteng si Alora Sasam dahil sa pambabara niya sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang TikTok post.

Bukod dito, usap-usapan din ang pag-unfollow raw niya sa ex-BF ng frenny niyang si Kathryn Bernardo, na walang iba kundi si Daniel Padilla.

Pati ang Kapamilya star na nasasangkot sa hiwalayan na si Andrea Brillantes ay inunfollow rin daw niya.

Sa part ni DJ, imposible raw kasing hindi naka-follow si Alora kay Deej noon pa, noong okay pa ang lahat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Photo courtesy: Screenshot from Alora Sasam (IG)

Pagdating naman kay Blythe (Andrea), hindi lang sigurado kung talaga nga bang naka-follow na noon si Alora sa kaniya o hindi talaga at all.

Photo courtesy: Screenshot from Alora Sasam (IG)

Anyway, ang pag-unfollowang nagaganap na ito ay hint kasi sa mga marites na may something ngang namagitan kina Daniel at Andrea na naging dahilan ng break-up; lalo na't wala pa ring nagsasalita sa kanilang tatlong involved.

Anyway, kinuyog sa social media si Alora matapos niyang i-flex ang kuhang video sa naging solo performance ni Kathryn ng "Water" ni Tyla, sa naganap na ABS-CBN Christmas Special 2023, kung saan "sexier," "fiercer," at "bolder" version na niya ang ipinamalas ng Outstanding Asian Star.

"Hot water🔥 The kindest. Most professional Queen👑 proud of you @Kath Bernardo pakahirap magcheer and kuha ng vid ng sabay🤭," caption ni Alora.

Tila binigyang-kulay naman ng mga netizen ang sinabi niyang "most professional queen" sa caption, dahil bukod sa nabanggit na sexy performance, ay pinag-usapan din ang muling pagsasama nila ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla, nang kantahin nila ang "I’ll Be There For You" ng The Rembrandts. Kilalang theme song ito ng hit American sitcom na "Friends."

Marami kasi ang nagsasabing napaka-professional ni Kathryn dahil kung tutuusin, puwede naman siyang hindi pumayag na makasama si DJ sa isang prod, pero hindi niya binigo ang fans na nagnanais makita pa sila together on one stage.

Dahil sa pagbura ni Daniel sa ipinost niyang break-up statement, marami tuloy ang nag-iisip na baka dumadaan na sa reconciliation ang dalawa.

Bagay na parang subtle way na pinabulaanan ni Kathryn dahil sa kaniyang "No looking back, only moving forward" Instagram post.

Sinang-ayunan kasi ito ni Alora sa comment section.

"Shot puno sa no looking back, only moving forward🥂."

Napansin din ng mga netizen ang pag-like ni Alora sa isang netizen na nagkomentong professional na lang si Kath ay hindi na sila magkakabalikan pa ni DJ.

Kaya sa comment section, pinagsabihan si Alora ng netizens na huwag na sanang magkomento ang komedyante na tila may pinapaboran ito sa dalawa.

"Alora sana maging maayos kang kaibigan sa dalawa na sana mapayuhan mo ng ayos at wag panghimasukan ang dapat pang pang himasukan," saad ng netizen.

Tugon naman ni Alora, "If alam mo rin ang nalalaman ko po, di ito comment mo. Try mo critical thinking. Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman. God bless!"

Sey ng mga netizen, mukhang maraming alam si Alora na isa sa mga kaibigan ni Kathryn, tungkol sa naging dahilan ng hiwalayan nito kay Daniel.

Kaya naman, marami sa mga netizen ang nang-aakusang "sawsawera" daw ang komedyante at nakikisakay sa isyu para mapag-usapan din.

MAKI-BALITA: Alora sinasabihang sawsawera, sumasakay sa KathNiel break-up

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Alora nasa pang ilang taon kaba ng 12 years namin?"

"Shady ni Alora mukhang maraming nalalaman haha."

"can't understand why these delulu kathniel fans are taking a swipe at alora??? kathryn said she chooses the people she surround herself with, so i trust her with that. just accept it, they broke up and kathryn bernardo is better on her own."

"Sawsawera yarn? Tahimik na lang sana kasi yung dalawang kampo quiet na sila eh."

"Hi@alorskieee I will always look back on those days that you are fantasizing about Daniel Padilla to the point you want to kiss him. You are not able to get Daniel so you got Kathryn instead. Bravo Alora, Bravo 👏👏👏 You are so creepy and disgusting."

"the way yall are mad at alora because it doesn't feed your delusions about kath and dj having the possibility of coming back together is so funny."

"Sumasakay sa isyu para mapag-usapan."

"hay nako alora. i have nothing against u being her friend but to put her in a situation that would stir another 'tea' from the casuals is def not it. kath obvs decided to take the quiet route as she gracefully said her piece thru a breakup statement. now u stop setting her up 🙃"

Kaugnay nito, usap-usapan naman ang tila mga patutsada sa kaniya ng showbiz insider na si DJ Jhaiho.

MAKI-BALITA: Mga patutsada ni DJ Jhaiho, sapul kay Alora Sasam?

Walang pinapangalanan si DJ Jhaiho subalit batay sa commenters ng posts niya, si Alora ang tina-tag at hinuhulaan nila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alora tungkol dito.