Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Disyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:32 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 83 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PBBM at ex-VP Leni, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.