Sa kabila ng alingawngaw ng tambalang “KimPau”, tila ang aktres na si Janine Gutierrez pa rin daw ang isinisigaw ng puso ni Paulo Avelino.

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry sina Paulo at ang aktres na si Kim Chiu simula noong gumanap sila sa Prime video na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: ‘Bumaliktad na ang mundo:’ Kim, sunud-sunuran na lang kay Paulo

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kaya naman, maraming nagsasabi na posible umanong magkatuluyan ang dalawa lalo pa’t tila nasa bingit ng alanganin ang relasyon ni Kim sa jowa nitong si Xian.

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Pero sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Disyembre 15, naniniwala umano si Amber Nabus na sumasakay lang umano si Paulo sa promo ng kaniyang mga proyekto.

“Marami rin namang naniniwala—isa na ako doon—na talagang si Paulo ay sumasakay lang sa mga promo-promo chuchu simula noong ‘Linlang’. Kasi ang paniniwala pa rin namin, sila pa rin ni Janine Gutierrez,” pahayag ni Ambet.

“In fact, ito ‘yong isa pinakabasehan ng mga netizen, talagang ‘di pa binubura ni Paulo sa kaniyang special na IG ‘yong picture nila ni Janine. Di gaya ng ibang karelasyon niya,” aniya.

Matatandaang noong nakaraan buwan ay napaulat na hiwalay na umano sina Paulo at Janine. 

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Bagama’t walang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon, inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo. 

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?