Ibinida ng aktres na si Sarah Lahbati ang mga fashion items ng Gucci, isang Italian luxury brand of fashion and leather goods.

Sa Instagram account ni Sarah noong Miyerkules, Disyembre 13, mapapanood ang video clip kung saan tampok ang iba’t ibang produkto ng Gucci gaya ng pabango, shawl scarf, eye glass, at iba pa.

“Treat yourself this holiday season,” saad ni Sarah sa caption ng kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

View this post on Instagram

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang post na ito ni Sarah. Narito ang ilang komento ng mga netizen.

“Hala. Patay ka na naman sa byenan mo. Sabihin ang mahal mahal ng gucci waldas ka ng waldas. 😅😅”

“Mastroke na yun sa galit.inggiterang byenan ayaw malamangan 🤣”

“sa luxury brands deals pa lng kumikita din si Sarah, kaya di ko magets yung sinasabi na gastador sya ehh ang dami nyang luxury brand deals kahit di sya bumili ehh kasi most of the time bigay na nung brands yung mga items na sinusuot nya.”

“Go girl!!! You deserve it...alangan nman puro alaga lang Ng anak Diba..Aba! Di pwede yon ...di ka katulong..Asawa ka.. you're the Queen!”

“Ipakita mo kung sino ka! Gigilin mo hangang ma stroke 😂😂😂”

“Witty serving sarcasm haha 2023 n feeling nyo di kya ng babae magjapera on their own”

“Nangigigil nanaman si annabelle nyan mami hahaha”

“Im sure may naiinis ngayun habang nanunuod nitu. Haha”

“Kulang pa yan mi! May winter season pa ang Dior. Mag waldas pa! 🤭😂”

Matatandaan kasing tila pinasaringan si Sarah ng kaniyang biyenang si Annabelle Rama na panay waldas umano siya ng pera habang ang asawa niyang si Richard Gutierrez ay puro trabaho. 

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Hanggang ngayon, bagama’t wala pang kumpirmasyon, umuugong pa rin ang balitang hiwalay na umano sina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA:  Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

MAKI-BALITA: Sarah nag-flex ng mga gamit; sinabihang ‘Waldas pa more!’