Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw kung saan aabot sa ₱500 milyon ang jackpot nitong Sabado ng gabi.

Paliwanag ng PCSO, walang nakahula sa winning combination na 25-20-24-28-06-09 kaya't inaasahang lolobo pa ang magiging premyo nito sa susunod na draw.

Noong Oktubre 1, 2022, naging kontrobersyal ang naganap na draw ng Grand Lotto 6/55 matapos na sabay-sabay na tumama ang 433 mananaya sa jackpot na ₱236,091,188.40.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Ang 433 mananaya ay tumanggap ng tig-₱545,245.24 bilang bahagi ng kanilang panalo sa nasabing draw.

Idinahilan ng PCSO, nahulaaan ng mga nauturang mananaya ang winning number combination na 09-45-36-27-18-54.

Itinakda ng PCSO ang draw para sa nasabing lotto game tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.