Ibinahagi ni Kapuso actor Kelvin Miranda ang kuwento umano sa likod ng pagpalag niya sa kumakalat na blind item tungkol umano sa isang aktor na na-booking ng isang international singer na bumisita sa Pilipinas sa halagang ₱1M per night. 

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Disyembre 14, inusisa ni Boy kung bakit umano sumagot si Kelvin sa nasabing blind item.

“E kasi, Tito Boy, ang dami na ring nagta-tag sa akin, even my friends sine-send sa akin sa Messenger, sa IG. Parang kailangan ba lahat ito ‘yung pag-usapan. So parang gusto ko lang sabihin sa kanila na ‘Hindi, hindi totoo,’” tugon ni Kelvin.

“Kumbaga, bakit ko gagawin ‘yun? Pinaghirapan ko lahat ng kung anong mayroon ako tapos sa ganoong klaseng bagay?” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pero paglilinaw ni Kelvin, hindi ibig sabihin na hindi niya ginagawa ang ganoong klaseng bagay ay hinuhusgahan na niya ang mga taong gumagawa niyon.

“May mga tao kasing ginagawa nila ‘yon for some reason. Pero ako kasi, hindi ako sanay ng hinuhusgahan ako at hindi ko ginagawa ang ganoong klaseng bagay. Mas gusto kong ginagastos ko ‘yong pera na kinikita ko,” saad pa ng aktor.

Sey naman ni Boy: “Ang sagot doon, hindi. Ganoon lang kasimple. ‘I was not involved. Pinaghihirapan ko ang pera ko’.”

“Ako, admirable. Dahil hindi pinalulutang na hindi klaro; nanghuhula ang tao. When in fact, it’s answerable by ‘hindi po’. Ganoon lang kaklaro ‘di ba?” aniya.

“Hindi po,” giit ni Kelvin, “hindi po talaga ako.”

Kaya naman, pinasalamatan ni Boy si Kelvin para sa paglilinaw tungkol sa isyung ito.

“Kasi ang iba pinipiling manahimik at ginagalang natin ‘yan,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa Facebook account ng direktor na si Darryl Yap nag-ugat ang tsikang ito. Flinex pa nga ng direktor ang convo nila ni Kelvin matapos mag-react ng huli.

MAKI-BALITA: Kelvin Miranda, nag-react daw sa ‘pa-booking blind item’ ni Darryl Yap

MAKI-BALITA: Darry Yap flinex usapan nila ni Kelvin Miranda tungkol sa blind item