Trending sa X ang pangalan ni "It's Showtime" host Karylle dahil sa nakatakdang pag-guest nina Kapuso Primetime King and Queen Marian Rivera at Dingdong Dantes sa nabanggit na noontime show para sa promotion ng "Rewind."

Phoo courtesy: X via Richard de Leon of Balita

Ang Rewind ay una at comeback movie ng DongYan sa ilalim ng Star Cinema.

Abangers ang mga netizen at madlang people kung ito na ba ang pagkakataong magkakaharap-harap ang tatlo.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Si Karylle ay ex-girlfriend ni Dingdong, at naging kontrobersiyal ang hiwalayan nila dahil kay Marian Rivera.

Si Marian daw kasi ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Dingdong at Karylle noon.

Naging kontrobersiyal pa nga ang pagngiti ni Karylle nang mauntag ni Boy Abunda sa "The Buzz" noon, ang defunct showbiz-oriented talk show noon ng ABS-CBN.

Going back sa guesting ng DongYan sa It's Showtime, mukhang "lotlot" ang mga netizen dahil absent si Karylle.

Noong Disyembre 13, nag-X post na ang singer-actress na masama ang pakiramdam niya at nagpapagaling kaya baka hindi muna makakapasok sa Showtime.

"Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone 🫶🏽," X post ni Karylle.

https://twitter.com/anakarylle/status/1734782870290583836?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

"Be healed K," komento naman dito ng co-host na si Ogie Alcasid."

Kaya naman sa X, umani ng reaksiyon at komento ang paghahanap ng mga tao kay Karylle.

"Hinahanap ng mga abnormal si Karylle.Eh ano naman kung wala diyan sa pagbisita ng Dongyan?🙄Nananahimik 'yung tao ginugulo n'yo mga bugok! Kung kayo 'di maka move on hayaan n'yo sila pare parehong maging at peace,pwede ba?🙄"

"Laman ng live chat Karylle bitter, galing n'yo Showtime. Mahal na mahal n'yo si Karylle. 😊"

"Marami ata di nakabasa ng tweet ni Karylle kung bakit absent sya sa showtime ng ilang araw. 😅 Wag na naman gumawa ng issue ha. 😁."

"Mga siraulo kayo.. ang awkward naman talaga pag anjan si K.. get well soon Karylle.."

"Hello kahit naman happy na sila parehas sa mga buhay nila ngayon hindi ba na awkward ke Karylle na andyan siya habang pinag uusapan ganap nung mag asawa? Kung ayaw niya, ayaw niya. Period. Hindi yung dame sinasabe ke Karylle kesyo di makamove on."

"HAHAH ang tagal na ni karylle sa showtime bat ngayon lng kayo nag iingay sa pangalan nya HAHHAHAHA ano gusto nyo?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Karylle tungkol dito.

MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?