May paalala ang showbiz insider na si Jobert Sucaldito para sa fans ni Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Sa isang episode kasi ng vlog ni Jobert noong Huwebes, Disyembre 14, binanggit niya ang sinasabi ng fans na “Kathryn already made it on her own” dahil sa naging tagumpay umano ng pelikula nila ni “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye”.

“Pero, mga anak, ha, pinapaalala ko lang sa inyo, it was not just about Kathryn. Malaking bahagi ng tagumpay ng pelikulang ‘yon si Alden Richards. Gusto ko lang ipaalala sa inyo. Huwag nating kaligtaan ‘yon,”

“Because sabi n’yo nga, si Kathryn can be on her own without Daniel [Padilla]. Pwede. Kasi nag-Dolly De Leon din siya. At ‘yong Dolly De Leon niya 100 million plus. It’s huge. Pero compare with Alden Richards, ₱800 million. It’s far, far away,” aniya.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Dagdag pa niya: “Kasi kung pinartner mo rin si Kathryn sa ‘di masyadong kilala, like Dolly De Leon kahit Hollywood actress pa ‘yan, kita mo di ganoon kalaki ang kinita…Kumbaga, huwag n’yong pasolo kay Kathryn ang credits.”

“Pero, ‘Nay,” sabi ng co-host niyang si Chaps, “hindi lang talaga sa artista ‘yan, e. ‘Yong willing na gumastos ‘yung kung sinoman ang producer, di ba. Kung paano nila ibinenta sa tao. Kasi hindi pwedeng ibebenta mo ng libre ‘yon.”

“Kaya lang ayaw ko lang kasi ng pinamumukha nila, e. Masyado naman nilang sinasaktan si Daniel. Na para bang kumita ang pelikula ni Kathryn ng ₱860 million plus…Huwag n’yong kalimutan, mas malaking bahagi doon si Alden,” depensa naman ni Jobert. 

Matatandaang kamakailan lang ay napansin umano ng mga netizen na tila mas lumakas at umingay pa umano ang pangalan ni Kathryn matapos ang hiwalayan nila ni Daniel.

MAKI-BALITA: Daniel, dehado sa hiwalayan nila ni Kathryn?

MAKI-BALITA: Di raw kawalan si ex: Kathryn, mas lumakas pa nang mabuwag ang KathNiel

Sa katunayan, natapatan na ni Kathryn ang mga follower sa Instagram ng kaniyang kapuwa Kapamilya star na si Anne Curtis.

MAKI-BALITA: Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH