Nagulantang ang madlang people nang ihayag ng "It's Showtime" sa kanilang opisyal na Facebook page ang pagbisita ng reel at real life couple na sina Kapuso Primetime Queen at King Marian Rivera at Dingdong Dantes sa nabanggit na noontime show.

"Madlang People! Abangan ang pagbisita sa atin ng pinakamagandang regalo ng Star Cinema ngayong Pasko — Kapuso stars Dingdong Dantes and Marian Rivera! First time sa It's Showtime! 💙💛," mababasa sa caption ng post.

Ito ay bilang promotion para sa upcoming comeback movie nilang "Rewind" na isa sa mga kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya excited na ang mga madlang people at madlang netizen sa pagtapak ng Kapuso couple sa balwarte ni Karylle.

Si Karylle ay isa sa mga host ng Showtime, at ex-girlfriend ni Dingdong.

Sino nga ba ang makakalimot sa makahulugang ngiti ni Karylle nang ma-hotseat siya noon ni Boy Abunda sa defunct showbiz talk show na "The Buzz" kaugnay ng pagkakamabutihan noon ni Dingdong at Marian matapos nilang gawin ang "Marimar?"

Isyu noon ang umano'y hiwalayan nina Dingdong at Karylle dahil kay Marian.

Ilang taon na ang nakalipas, muli kayang magkrus ang landas ng tatlo in one frame? The world is healing na nga ba gaya ng reconciliation nina Vice Ganda at Billy Crawford na nangyari sa "Magpasikat?"

Iyan ang inaabangan ng mga netizen batay sa comment section ng anunsyo.

"Deretsong sagot at Tanong prangkahan talaga pag natuloy Ang guesting Ng DONGYAN sa it's showtime dahil sa pag promote Ng pilikualng rewind at Hindi papasok si karyll or Hindi ipapasok or mag absent ibig Sabihin Hindi parin Maka move on si karyll mayroon paring galit si karyll.. it's my prediction... 🥱🥱🥱."

"Sana ito na yung chance para mag karoon ng pag kakaayos si Marian at Karylle 🙏🙏🙏."

"Alam naman natin na sobrang bait ni karylle.At napakaprofessional pa.tingin ko sa kanya,Hindi marunong Magalit.Sana present sya bukas.kaabang abang talaga."

"Maganda sa Expecially For You, tas si Marian ang mapipili."

"May kanya kanya napo silang buhay msasaya na sila pare-pareho Tao nlng ang di makamove on."

Well, abangan na lang mamayang tanghali!