Ngayong Lunes, Disyembre 18, ay isang espesyal na araw para sa magkakapatid na may “unique connection” dahil hindi lang sila pareho ng araw ng kapanganakan, kundi sabay ring dinala ng kanilang mga ina mula sa sinapupunan.

Kaya sa pagdiriwang ng National Twins Day, halina’t alamin ang mga kambal na kapwa mga nakilala sa industriya ng showbiz.

Richard at Raymond Gutierrez

Courtesy: Richard Gutierrez/IG

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sina Richard at Raymond ay anak nina showbiz personalities Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Kapatid din sila ng dating beauty queen at kapwa celebrity na si Ruffa Gutierrez.

Si Richard ay mas nakilala sa kaniyang tinahak na acting career, kung saan bumida siya sa latest Kapamilya seryeng “The Iron Heart.” Ngunit bago siya makilala sa ABS-CBN, minsan na ring naging bankable actor si Richard sa GMA. Bumida siya sa iba’t ibang Kapuso series tulad ng “Mulawin” (2004), Mars Ravelo's Captain Barbell (2006), Philippine adaptation ng “Full House” (2009), at iba pa.

Samantala, tumutok naman si Raymond sa kaniyang hosting career. Noong Agosto 2021 nang mag-out siya bilang proud member ng LGBTQIA+ community, at ngayon ay masaya sa kaniyang boyfriend na afam.

Miguel Benjamin at Paolo Benjamin Guico

Courtesy: Paolo Benjamin Guico/IG

Nakilala ang kambal na sina Miguel Benjamin at Paolo Benjamin bilang mga bokalista sa kanilang binuong 9-piece band na Ben&Ben.

Sikat ang Ben&Ben sa kanilang hit songs tulad ng “Kathang Isip,” “Araw-araw,” “Sa Susunod na Habang Buhay,” at “Leaves." Nakahakot na rin sila ng iba’t ibang awards, tulad na lamang ng pagpaparangal sa kanila sa kagaganap lamang na Asia Artist Award 2023 noong Disyembre 14, 2023.

Mavy at Cassy Legaspi

Courtesy: Cassy Legaspi/IG

Sina Mavy at Cassy Legaspi ay anak ng mag-asawang celebrities na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Sa kasalukuyan ay bahagi ang kambal ng Sparkle GMA Artist Center, at bukod sa kanilang acting career, tinahak din ng dalawa ang pagho-host sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng noontime show ng GMA na “Eat Bulaga.”

Atasha at Andres Muhlach

Courtesy: Andres Muhlach/IG

Sina Atasha at Andres ay mga anak ng showbiz couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Bukod sa modeling career ni Atasha, siya rin ang bagong host ng E.A.T., habang nag-aaral at kumukuha ngayon ng degree sa Spain si Andres at hindi pa raw niya napag-iisipan kung papasukin din ang show business pagkatapos ng kaniyang pag-aaral.

Felix at Dominic Roco

Courtesy: Felix Roco/IG

Sina Dominic at Felix ay anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco. Tulad ng kanilang ama, ipinamamalas din ng kambal ang kanilang mga talento sa kanilang acting career sa pamamagitan ng pagiging bahagi sa iba’t ibang pelikula at serye.

Matatandaang bumida si Felix sa international award-winning film na “Engkwentro” noong 2009, habang tumatak ang pagbida ni Dominic sa indie film na “Ang Nawawala” noong 2014.

Joj at Jai Agpangan

Courtesy: Jai Agpangan/IG

Nagsimula ang showbiz career nina Joj at Jai sa ABS-CBN reality show na “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” noong 2012.

Mula noon, napanaood na ang kambal sa mga pelikula at TV series kabilang na ang “Darna” (2022) at “Everyday I Love You” (2015) para kay Joj, at ang “Araw Gabi” (2018) at “This Time I'll Be Sweeter” (2017) para naman kay Jai.

Fourth at Fifth Solomon

Courtesy: Fifth Solomon/IG

Sina Fourth at Fifth ay kapatid ng komedyanteng si Chariz Solomon. Una silang nakilala sa “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.

Pagkatapos nito ay pinasok ni Fifth ang pagiging aktor, direktor at writer ng mga pelikula, habang tinahak naman ni Fourth ang pagiging business owner.

Tanner at Tyler Mata

Courtesy: Tyler Mata/IG

Naging housemate si Tanner sa PBB Lucky Season 7 na nagsimula noong 2016 at natapos noong 2017. Bagama’t hindi naging official housemate doon ang kambal niyang si Tyler, nagkaroon din ito ng participation sa mga challenge ng nasabing season ng PBB.

Kilala rin ang Filipino-American twins sa kanilang modeling career internationally.

Jaja at Boomboom Gonzales (JaBoom Twins)

Courtesy: @pinoyexchange.com via GMA

Sina Katrina, mas kilala bilang Jaja, at Kristine, mas kilala bilang Boomboom, ay naging sikat sa pagiging “JaBoom Twins” noong 2004 dahil sa kanilang commercial ng shampoo na may jingle na “Sunod sa Galaw.”

Pagkatapos nito, naging bahagi na ang kambal ng ilang mga palabas sa telebisyon. Naging host sila sa noo'y noontime show ng ABS-CBN na “Magandang Tanghali Bayan" noong 2005, at sinubukan ang pag-arte sa Kapamilya afternoon sitcom na “Maid in Heaven.” Nang lumipat sila sa GMA, bukod sa sitcom projects ay nakasama rin sila sa serye, kung saan binigyang-buhay nila ang mga karakter nina “Luntian” at “Violeta” sa third installment ng GMA tele-pantasya series na “Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas” noong 2006.

Sa ngayon ay pareho nang kasal sina Jaja at Boomboom, kung saan may dalawang anak daw ang una habang tatlo naman ang anak ng huli.