Dahil sa Interlink Bridge: Bataan hanggang Cavite, 45 minutes na lang -- DOF
Nasa 45 minuto na lamang ang biyahe mula Bataan hanggang Cavite kapag natapos ang isa sa mga proyekto ng pamahalaan na Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB).
Ito ang isinapubliko ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Edita Tan sa isang pulong balitaan at sinabing sisigla pa ang ekonomiya ng bansa sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagdudugtong ng Southern Luzon at Central Luzon.
Wala rin aniyang magiging sagabal sa naturang proyekto na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) dahil matagal na itong pinag-aralan kaugnay ng limitasyon ng disensyo nito.
“There’s no way because they thoroughly studied it, we actually invested in the preparation of the project and iyong pag-design niyan,” pagbibigay-diin ni Tan.
Kabilang lamang ang BCIB sa 197 priority Infrastructure Flagship Projects ng administrasyon na nagsusulong sa socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.