Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:44 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 132 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 17 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.