Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:43 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 91 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 26 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol, at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng alinmang pinsala.

5,000 aftershocks, naitala mula sa 7.4-magnitude na lindol sa Surigao

Ayon sa ahensya, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Matatandaang inihayag ng Phivolcs kamakailan na mula lamang noong Miyerkules ng tanghali, Disyembre 13, mahigit 5,000 aftershocks ang naitala mula sa naturang magnitude 7.4 na lindol.