Nagbigay ng mensahe si TV host-actress Karla Estrada para sa fans ng kaniyang anak na si Daniel Padilla at ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram story ni Karla nitong Biyernes, Disyembre 15, makikita ang litrato nina Kathryn at Daniel na kuha mula sa katatapos lang na Asia Artist Award 2023 na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Huwebes, Disyembre 14.

Ginawaran sina Kathryn at Daniel ng “AAA Fabulous Award” sa nasabing event.

“Congratulations, KathNiel! Thank you to all the supporters of Kathryn and Daniel!,” saad ni Karla.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Dagdag pa niya: “Hanggang sa muli!”

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sina Daniel at Kathryn matapos ang kanilang break up.

Matatandaang muling “nagkabalikan” ang dalawa sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special 2023 sa Smart Araneta Coliseum.

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

Samantala, sa kasunod na IG story ni Karla ay flinex din niya ang art card ng pagkakatanghal ni Kathryn sa The 6th Gawad Lasallianeta bilang “Most Outstanding Actress” sa pelikulang “A Very Good Girl”.