Bahagyang tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., habang patuloy na bumaba ang rating ni Vice President Sara Duterte, ayon sa fourth quarter survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc..

Base sa inilabas na survey ng Publicus Asia, tumaas sa 58% ang approval rating ni Marcos, mula sa 55% noong nakaraang quarter ng taon.

Nagkaroon din ng kaunting pagtaas ang trust rating ng pangulo, mula sa 47% noong third quarter ay naging 48% na ito nitong ikaapat na quarter ng taon.

Samantala, ayon sa Publicus Asia, bumaba ang approval rating ni Duterte, kung saan mula 62% ay naging 59% umano ito sa pinakabagong survey.

Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

Maging ang trust rating ng bise presidente ay bumaba rin umano sa 53% nitong huling quarter ng taon, mula sa 55% na datos noong third quarter ng 2023.

Isinagawa umano ang naturang fourth quarter survey mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4, 2023, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,500 respondents.

Matatandaang inilabas ng Publicus Asia noong Setyembre na parehong bumaba ang approval at trust rating nina Marcos at Duterte noong sa third quarter survey.