Matagumpay na naidaos ang taunang ABS-CBN Christmas Special 2023 sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkules, Disyembre 13.

Bukod sa pagsasama-sama ng ABS-CBN stars at talents, isa sa mga naging highlight ay ang muling pagsasama sa isang performance at stage ang naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

At siyempre, abangers din ang mga netizen sa appearance ng kontrobersiyal na aktres na nauugnay sa hiwalayan na si Andrea Brillantes.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Speaking of Andrea, usap-usapan ang iba't ibang reaksiyon at komento sa kaniya ng netizens nang i-flex ng Star Magic ang video ng pagdating niya sa backstage ng Araneta.

Makikita ito sa kanilang opisyal na Facebook page.

Nakasuot ng itim na dress at malaking shades si Andrea na tila nagmamadali kasama ang kaniyang companion.

Nag-hi naman si Blythe sa kumukuha ng video niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Sa comment section, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Pretty girl"

"She's beautiful. Iba talaga ang karisma niya."

"Luh 🙄 hi daw 😂😂 walang pumapansin sayo kasi alam na nila kung ano ang pagkatao mo 😂😂."

"Ang kikitid ng utak ng mga bashers kinain na ng kathniel ang mga utak ung iba kaya dto nababantayan kaya nila ang mga galaw ng mga anak o kapatid pamangkin nila check check din baka mas masahol pa kay Andrea🤣🤣 ampeperfect🤪😜."

"mas mukhang bata c Kath, sa kilos at sa karanasan.. real talk lng po,I'm not against andeng."

"Taas noo parang wala lng sa knya Yung mga issue..lalo na Yung latest issue with Elijah Canlas...haist...silence means yes tlga.."

"Kahit anong ganda ng panlabas na kaanyuan, ang panloob ang mas kailangan at karapat dapat..."

"Maganda tlaga si Andrea Brillantes at talented pa."

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon o paglilinaw mula kay Andrea hinggil sa mga isyung ipinupukol sa kaniya.