Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur, habang magnitude 4.2 naman sa Catanduanes nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Nangyari umano ang lindol sa Surigao del Sur dakong 3:27 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nitong 81 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Samantala, ayon sa Phivolcs, nangyari naman ang lindol sa Catanduanes bandang 3:45 ng madaling araw.

Namataan umano ang epicenter nito 121 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Gigmoto, Catanduanes.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng tumamang lindol sa dalawang probinsya.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing mga pagyanig.