Tila lumambot daw ang puso ng kontrobersiyal na mommy-talent manager ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa showbiz insider na si Cristy Fermin.

Ito'y matapos daw na ipagtanggol ni Cristy si Richard sa bashers na nanlalait na "bondying" ang kaniyang anak.

Ang salitang "bondying" ay tumutukoy sa isang adult na lalaking kilos-bata at panay sumbong sa magulang; kumbaga, childish o "immature" at laging nakadepende sa magulang.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, may pa-blind item sa dalawang bonjing na mama’s boy

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nagmula ito sa komiks at naisapelikula pa.

Tinatawag na bondying si Richard dahil hindi raw ito nagsasalita kaugnay ng isyung break na sila ng misis na si Sarah Lahbati, at ang nagtatanggol daw para sa kaniya ay si Annabelle.

Pati ang pagiging mother-in-law ni Annabelle ay nakukuwestyon din, dahil usap-usapang isa siya sa mga dahilan kung bakit daw nagkalabuan ang mag-asawa, dahil daw sa pagiging pakialamera at panghihimasok niya sa buhay may asawa ng anak.

Anyway, sa kaniyang Facebook post ay pinasalamatan ni Bisaya (tawag kay Annabelle) si Cristy.

Hindi smooth ang naging relasyon nina Annabelle at Cristy dahil minsan na silang nagkakabangga, dahil naman kay Ruffa Gutierrez at sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Nauwi pa nga raw sa demandahan ang naging sigalutan ng dalawa.

Pero sa pagkakataong ito ay tila lumambot ang puso ni Annabelle kay Cristy, nang depensahan niya si Richard tungkol sa hiwalayan issue.

"Siguro mga 25 years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita."

"Last year, tine text ko sya ng ilang beses kasi ang mag asawa naman ni Manny at Jinky Pacquiao ang kanyang inaaway at di maganda ang mga sinasabi niya. Pinagtatanggol ko naman ang mag asawa. Di nya ako sinagot sa mga text ko, kaya di ko na siya kinulit."

"This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan..."

"Ang tinutukoy ko ay ang isang Cristy Fermin."

"Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin."

"Merry Christmas and Peace Be With You.❤️❤️❤️"

Idinetalye rin ni Bisaya na tinawagan niya si Cristy at humingi ng tawad sa lahat ng mga hindi nila pagkakaunawaan dati. Nakausap din ni Cristy ang mister niyang si Eddie Gutierrez.

Nilinaw rin ni Annabelle na hindi totoong nagkasakit si Eddie dahil sa Richard-Sarah break-up rumors.

"Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya Tito Eddie, mag pa galing ka, inagaw ko ang telepono at sabi ko , malakas na malakas ang asawa ko. Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah. That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking , he is enjoying the company of his grandchildren," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cristy tungkol dito.