Ipamamana umano ng 80-anyos na bilyonaryo na si Nicolas Puech, tagapagmana ng iconic fashion dynasty na Hermès, ang kaniyang “nakalululang” halaga ng kayamanan sa 51-anyos na dati niyang hardinero sa pamamagitan ng pag-ampon dito.

Ayon sa mga ulat, si Puech ang fifth-generation descendant ni Thierry Hermès, na naglatag ng pundasyon ng nasabing luxury fashion house noong 1837.

Kasama umano siya sa pinakamayayamang indibidwal sa Switzerland, kung saan mayroon daw siyang net worth na $10.3 bilyon hanggang $11.4 bilyon.

Samantala, hindi raw kasal si Puech at wala rin itong mga anak.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Kaugnay nito, inaaayos na raw ng bilyonaryo ang legal proceedings upang pormal na ampunin ang kaniyang “former gardener and handyman,” at pamanahan ito ng $11 bilyong kayamanan at mga ari-arian sa Marrakesh, Morocco at Montreux, Switzerland na nagkakahalaga ng $5.9 milyon.

Bagama’t hindi pa nakikilala, naiulat namang kasal ang nasabing hardinero sa isang babae mula sa Spain at mayroon daw silang dalawang anak.