Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumulong sa mahihirap na komunidad na maaapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ipinaliwanag ni DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao sa isang radio interview nitong Huwebes ng umaga.

“On the part of the DSWD, mayroon naman po tayong mga commitment upang makatulong na tugunan ang impact ng El Niño phenomenon, lalung-lalo na sa mahihirap nating kababayan at mga vulnerable sa climate phenomenon,” ani Dumlao.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Paglilinaw ng opisyal, kaisa ng ahensya ang lahat ng government agency sa paggawa ng hakbang upang matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa.

“The DSWD is part of the food security cluster under the El Niño national action plan issued by President Ferdinand R. Marcos Jr.," ani Dumlao.

Inaasahang maramdaman ang epekto ng El Niño sa kalagitnaan ng 2024.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na maghanda sa nakaambang pagtama ng El Niño phenomenon sa bansa.