Nanawagan ang Iloilo City government sa publiko na magsuot muli ng face mask sa gitna ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lungsod.

Pagbibigay-diin ni City Epidemiological Surveillance Unit medical officer Jan Reygine Ansino, nakapagtala na sila ng 63 active infections hanggang nitong Disyembre 12.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Aniya, naitala nila ang 25 kaso nitong Nobyembre 30 kaya't umabot na sa 1,211 ang Covid-19 cases sa lungsod mula Enero 1, 2023.

“We have noted an increasing trend of cases since the last week of November and up to this week. Before that, our cases were around two to three per day but since November, we have documented 10 and as high as 20 per day,” paliwanag ni Ansino sa ipinatawag na pulong balitaan kamakailan.

Idinagdag pa ni Ansino, biglang tumaas ang bilang ng nahahawaan ng sakit mula nang bawiin ang kautusang nag-oobligang magsuot ng mask.

PNA