Nakauwi na sa Pilipinas ang 12 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang mga nabanggit na manggagawang Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport-Terminal 1, lulan ng Philippine Airlines flight PR 733.

Siyam sa mga ito ay caregivers habang ang tatlo at hotel workers.

Kabilang lamang ang mga ito sa nagboluntaryong nag-apply ng repatriation program ng gobyerno, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Umabot na 374 OFWs mula sa Israel ang nakauwi na sa bansa mula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at militant group na Hamas nitong Oktubre 7.