Totoo umano ang kumakalat na balitang hiwalay na ang celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Disyembre 12, sinabi ni Ogie Diaz na pinoproseso pa raw ni Kim ang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ni Xian kaya hindi nito maamin ang tungkol dito.

“A friend of mine and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at Xian Lim. Hindi lang maamin ni Kim Chiu. Kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu. At si Xian Lim din di mo rin maaasahan siyempre na magkomento o magbigay ng statement tungkol dito,” saad ni Ogie.

Pero kung matatandaan, nagbigay naman ng pahayag ang dalawa tungkol sa balitang hiwalay na umano sila. Hindi nga lang malinaw ang detalye kung ano ang totoong kalagayan ng kanilang relasyon.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

Kung pag-uusapan naman ang ugat ng hiwalayan, wala naman daw sangkot na third party ayon sa source ni Ogie na iba sa nauna niyang naiulat na tungkol naman umano kay Iris Lee.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

“Sabi sa akin ng friend ko, wala naman daw third party. It’s just that parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila, e,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nagagalit umano ang mga tagasuporta at tagahanga ni Kim kay Xian dahil tila pinaasa lang ng huli sa wala ang aktres.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, pinaasa lang daw ni Xian Lim