Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Miyerkules ng madaling araw, Disyembre 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:49 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 131 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 13 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock sa nangyaring magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Samantala, wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.