Marami ang nagsasabing netizen na batay sa kanilang obserbasyon, mas lumakas at umingay pa raw ang pangalan at star status ni Outstanding Asian Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo simula nang kumpirmahin nila ni Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 30, 2023.

Nakuha raw kasi ni Kathryn ang simpatya at pagmamahal ng madlang people, lalo na ng kababaihang kagaya niya ay nakaranas din ng hiwalayan sa kani-kanilang partners.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

MAKI-BALITA: Daniel, dehado sa hiwalayan nila ni Kathryn?

Ilang linggong pinag-usapan at halos pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa hiwalayan na iyan, huh, at tila naging "national concern" pa dahil pati mga politiko, nakisimpatya at nalungkot din. Halos lahat ng dumadaan sa newsfeed ng social media platforms, KathNiel ang pinag-uusapan.

May nagbiro pa ngang dapat daw, walang pasok sa mga paaralan at mga trabaho bilang pagluluksa sa namatay na puso ng mga netizen. Ganoon kalakas ang impact nila!

Patunay na kahit buwag na ang KathNiel, hindi natinag sa ituktok ang career ni Kathryn; dumagsa ang offer ng endorsement sa kaniya.

Gayundin, malapit na niyang mapantayan o mahigitan ang Instagram followers ng kapwa Kapamilya star at "It's Showtime" host na si Anne Curtis.

MAKI-BALITA: Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

Pumalo na sa 20.1M ang followers niya sa nabanggit na social media platform.

Pagdating naman sa awrahan at outfitan, talagang sexy at daring na ang mga estilo ni Kathryn dahil wala na raw Daniel na nagbabawal sa kaniya.

Although pareho naman silang may solo project ni Daniel, ngunit kahit sa 2024 pa gigiling ang mga camera at mapapanood ang kaniyang pelikulang "Elena 1944" ay pinag-uusapan na ito.

Marami tuloy ang nag-iisip kung sino na kaya ang puwedeng i-team up kay Kath, dahil ang lakas na nga ng tambalan nila ni Daniel.

Ang nangunguna sa listahan---si Kapuso star Alden Richards kung saan pumatok nang bongga ang pelikula nilang "Hello, Love, Goodbye" na itinuturing na "highest-grossing Filipino movie of all time" sa kasaysayan ng Philippine Cinema.

Pero ang tanong, posible nga bang ang katambal ng isang artista ay kapwa artista sa ibang TV network?

Tingnan na lang natin dahil hindi naman sarado sa posibilidad ng collaborations ang dating magkaribal, ngayon ay magkaibigang ABS-CBN at GMA Network.

Malay natin, hindi na lang sa pelikula magtambal ang dalawa kundi sa teleserye na rin, tapos simultaneous na channels at platforms ng dalawang network.

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

Bongga iyan kapag nagkataon!