Nakakatuwa ang anak nina Dra. Vicki Belo at Doc Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo dahil sa murang edad nito, nakaranas nang maipamalas ang talento sa pagguhit at ma-exhibit pa sa isang art gallery.

Ibinida ni Scarlet Snow sa kaniyang Instagram post ang kaniyang mga artwork na naka-display sa University of the Philippines-Diliman College of Fine Arts, Fine Arts Parola Gallery sa Diliman, Quezon City.

"It’s finally exhibit day. Two works I made last year when I was still 7 are displayed at the 'Pencils and Progress' Student Art exhibit here in the U.P. Fine Arts Parola Gallery," mababasa sa caption ni Scarlet Snow.

Pinasalamatan pa ng bata ang kaniyang guro dahil sa pagtuturo daw sa kaniyang gumuhit. At siyempre, ang kaniyang mga magulang na ever supportive sa kaniya.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Thank you, teacher @cathyongtecodesigns for teaching me how to draw, paint, and love art!🎨 And of course, Mommy and Daddy for being so supportive."

Sa comment section, bumaha naman ng papuri sa bata dahil kitang-kita na raw kaagad ang sariling talento nito.

Si Scarlet Snow Belo ay nagdiwang ng 8th birthday noong Marso 3, 2023.