Mahigit 5,000 aftershocks ang naitala mula sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Disyembre 13.

Sa ulat ng Phivolcs, 5,151 na umano ang naitalang aftershocks nitong Miyerkules ng 12:00 ng tanghali, kung saan 57 daw rito ay naramdaman.

Nasa 1.7 hanggang 6.6 naman umano ang magntiude ng naturang mga aftershocks mula sa nangyaring malakas na lindol.

Matatandaang bandang 10:37 ng gabi noong Disyembre 2, 2023, nang tumama ang magnitude 7.4 na lindol, na unang itinaas ng ahensya sa magnitude 6.9, sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Agad naman naglabas ng tsunami warning ang ahensya sa Surigao Del Sur at Davao Oriental matapos ang nangyaring pagyanig.

https://balita.net.ph/2023/12/02/phivolcs-naglabas-ng-tsunami-warning-matapos-ang-m6-9-na-lindol-sa-surigao-del-sur/

Noong Disyembre 3, 2023 ng madaling araw nang kanselahing ng Phivolcs ang nasabing tsunami warning.

https://balita.net.ph/2023/12/03/tsunami-warning-matapos-ang-lindol-sa-surigao-kinansela-na/