Tinatayang 48% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Martes, Disyembre 12.

Base sa third quarter survey ng SWS, 40% naman umano ng mga Pinoy ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay, habang 6% ang nagsabing lalala ito sa susunod na 12 buwan.

Samantala, ang natitirang 7% umano ay hindi nagbigay ng sagot sa nasabing usapin.

Tinawag ng SWS na "Optimists” ang mga Pinoy na naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay, habang “Pessimists” naman ang mga nagsabing lalala ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

National

Senate investigation sa drug war, ‘di dapat pangunahan nina Bato, Go – SP Chiz

“The resulting Net Personal Optimism score is +42 (% Optimists minus % Pessimists), classified by SWS as excellent (+40 and up),” anang SWS.

“The September 2023 Net Personal Optimism score was similar to the excellent +41 in June 2023,” saad pa nito.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.