Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng mensahe ni social media personality Rendon Labador kay Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Lunes, Disyembre 11, binati niya si Kathryn sa bagong achievement nito bilang artista.

Matatandaan kasing nagpang-abot na ang followers ni Kathryn at ng kaniyang kapuwa Kapamilya star na si Anne Curtis sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya sey ni Rendon: “Gusto kong i-congratulate si Kath sa pag-abot ng 20M followers sa Instagram. Tandaan mo na kapag may may nawala sa buhay natin ay siguradong may darating na bago at better na mga blessing.”

“Minsan kailangan nating mawalan para ma-realize natin na buo pala tayo kahit mag-isa,” dagdag pa niya.

Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng mensahe si Rendon kay Kathryn matapos kumpirmahin ng aktres at ni Daniel Padilla ang hiwalayan nila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Matatandaang nag-alok pa ng tulong si Rendon kay Kathryn para mabilis umano itong maka-move on mula sa breakup nila ni Daniel.

MAKI-BALITA:  Rendon, may mensahe para kay Kathryn: ‘Andito lang ang Kuya’

Bukod dito, may inusisa rin siya kay Kathryn tungkol sa ex-partner nito.

MAKI-BALITA: Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring tugon, pahayag, o reaksiyon si Kathryn hinggil dito.