Nakunan ang eksena ng yakapan nina Kapuso stars Marian Rivera at Heart Evangelista sa birthday party ni GMA Network chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Sa Instagram post ng GMA Network nitong Lunes, Disyembre 11, mababasa ang kanilang pahayag tungkol sa yakapan nina Heart at Marian.

“Just queen supporting queen 😍 What a beautiful world where love reigns ❤️,” saad ng GMA sa caption ng post.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita ang dalawa sa ganoong tagpo simula nang kumalat ang tsikang nagkaayos na sila.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Napansin kasi ng mga netizen na pina-follow na nina Marian at Heart ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Marian Rivera, Heart Evangelista, nagkabati na nga ba?

Ilang araw matapos maging usap-usapan ang nasabing tsika, kinumpirma ni Heart na tuluyan na umano silang nagkaayos ni Marian.

MAKI-BALITA: Marian, Heart, bati na talaga: ‘Real queens support each other’

Matatandaang nag-ugat umano ang away ng dalawa matapos komprontahin ng ina ni Heart si Marian sa airport para sabihing layuan ng huli ang kaniyang anak.

Huli silang nagkatrabaho sa 2011 comedy film na “Temptation Island” kasama sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, at Solenn Heussaff.