Sino kaya ang dalawang personalidad na tinutukoy ni social media personality Xian Gaza sa kaniyang blind item?

Sa Facebook post kasi ni Xian nitong Linggo, Disyembre 10, pinapahulaan niya ang tungkol umano sa dalawang bonjing na mama’s boy.

“BLIND ITEM: Sinetch itey na dalawang bonjing mama's boy at nanay nila ang nagbibigay ng official statements sa publiko? Itago natin sa pangalang Richard at Mavy,” saad ni Xian sa kaniyang post.

Dagdag pa niya sa comment section: “Akala mo mga 12 years old eh. Kayo may issue pero nanay niyo nagpapaliwanag tanqinyeam.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“WALA KAMING PAKE KUNG SI RICHARD ANG MALI O SI SARAH. ANG AMIN LANG EH BAKIT NANAY MO ANG NAGSASALITA? BONJING,” sabi pa niya.

Bagama’t hindi ibinigay ni Xian ang buong pangalan ng mga nabanggit na personalidad, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay sina Richard Gutierrez at Mavy Legaspi.

Hindi pa rin kasi naglalabas ng pahayag, tugon, o reaksiyon sina Richard at Mavy sa kabila ng umaaligid na isyu tungkol sa kanila.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Matatandaang ang ina ni Mavy na si Carmina Villaroel ang tila nagbigay ng reaksiyon tungkol sa breakup rumors ng anak nito kay Kyline Alcantara.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Gayundin naman si Annabelle Rama sa anak nitong si Richard na napapabalitang hiwalay na umano sa asawang si Sarah Lahbati.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

MAKI-BALITA: Annabelle sa mga ‘chismosang Marites’: ‘Wag ninyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon’

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’