Inamin ng actress-singer na si Vina Morales na nagkaroon umano siya ng anxiety sa broadway musical na “Here Lies Love”.

Sa latest episode ng Korina Interviews nitong Linggo, Disyembre 10, ibinahagi ni Vina ang kaniyang naramdaman pagkatapos ng mga rehearsal.

“A day before that I kinda like, alam mo ‘yon, mixed emotions na sabi ko ‘Kakayanin ko ba ‘to? Hindi kakayanin ko ‘to’. Nagkaroon ako ng anxiety nang kaunti,” kuwento ni Vina.

“I was walking around Manhattan by myself na ‘di ko alam kung saan ako pupunta at makakarating. You know, my apartment is just in that area but inikot ‘yon, umiiyak ako,” aniya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “Siguro excitement and thankfulness. I felt so blessed na I was given that opportunity. Tapos nerbiyos.”

Pero sabi ni Vina, mas gusto raw niya na may nararamdaman umano siyang nerbiyos kapag mayroon siyang mga show at big concert. 

“Kasi ‘pag wala ‘yon ‘di ba parang kampante ka na,” saad pa niya.

Kaya nang magawa ni Vina ang kaniyang performance sa “Here Lies Love”, parang nabunutan daw siya ng tinik at nakahinga nang maluwag.

Matatandaang si Vina ang ipinalit kay Broadway Diva Lea Salonga para gumanap sa role na “Aurora Aquino” sa nasabing broadway musical.

MAKI-BALITA: ‘Bagong Aurora Aquino!’ Vina Morales papalit kay Lea Salonga sa ‘Here Lies Love’