Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Disyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:52 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 123 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

National

HS Romualdez, may pangako sa mga ina sa 'Bagong Pilipinas'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.