Agad na pinalagan ng aktres na si Sarah Lahbati ang kumakalat na quote tungkol sa pagsasalita raw niya nang masama laban sa kaniyang mother-in-law na si Annabelle Rama.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

Kaugnay pa rin ito sa kumakalat na tsikang hiwalayan nila ng mister na si Richard Gutierrez. Matatandaang sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News ay nakapagbigay siya ng hint tungkol sa status ng mag-asawa.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Nadagdagan pa ito nang tila magpatutsada naman daw ang tatay ni Sarah tungkol sa mga asong tumatahol.

Mababasa sa quote card ng isang Facebook page ang umano'y naging pahayag naman ni Sarah tungkol dito.

Photo courtesy: Sarah Lahbati (FB)

"I'm grateful that I married Richard because he's truly husband material and a father figure. It seems he got brainwashed, that's why he changed. I can't stand the fact that my mother-in-law, you'd think, was not well taken care of by her husband before."

Makikita pa rito ang payo raw niya sa mga babaeng nagbabalak magpakasal.

"My advice to those planning to get married, get to know your future in-laws so you won't end up like me."

Ibinahagi ni Sarah sa kaniyang Facebook account ang nabanggit na post at kinomentuhan.

"Fake news, I never said this," aniya.

Photo courtesy: Sarah Lahbati (FB)

Samantala, wala pang pahayag si Annabelle tungkol dito.

Burado na ang nabanggit na quote card habang isinusulat ang artikulong ito.