Usap-usapan ang picture together nina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara na ibinahagi ng una sa kaniyang Instagram story kamakailan.

May caption itong "About last night" at "Celebrating the elegance of womanhood."

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG) via Fashion Pulis

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG) via Fashion Pulis

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Bagama't malinaw namang wala silang pinatutungkulan at wala namang isyung binitiwan, hindi naiwasan ng mga marites na netizen na bigyang-kulay ito, lalo't may "common denominator" sa dalawang aktres ngayon.

Pareho kasi silang nasasangkot sa isyu ng hiwalayan.

Pareho silang natsitsikang hiwalay na sa kani-kanilang partner; si Sarah sa asawang si Richard Gutierrez, at si Kyline naman sa kaniyang boyfriend na si Mavy Legaspi.

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? ‘Don’t mind dogs barking,’ kuda ng padir ni Sarah

Naisyu pa ngang nagpaparinigan sa isa't isa sina Kyline at ang madir ni Mavy na si Carmina Villaroel.

MAKI-BALITA: Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan nina Mavy, Kyline isiniwalat ni Cristy

Kaya iniisip tuloy ng mga netizen, patutsada kaya ang pa-quote sa kani-kanilang mga jowa?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Parehong may off yung aura nila."

"Mag sama sama tayo mga Sawi. Amen."

"Parehas may problema sa either MIL or 'soon to be' MIL."

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang linaw sa mga umaaligid na isyu sa kanilang dalawa at sa kani-kanilang partners kaya abangers na lang!