
(Manila Bulletin File Photo)
Mahigit ₱255.8M jackpot sa Super Lotto draw, walang nanalo
Inaasahang tataas pa ang jackpot ng Super Lotto 6/49 sa susunod na draw nito sa Martes, Disyembre 12.
Ito ay nang hindi mapanalunan ang premyong umabot ng ₱255.8 milyon sa isinagawang draw nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa anunsyo ng PCSO, hindi nahulaan nang winning combination na 21-18-24-22-35-16.
Huling napanalunan ang jackpot ng Super Lotto noong Disyembre 6, 2020 kung saan umabot sa ₱265 milyon ang naiuwi ng isang mananaya.
Nahulaan ng solo winner ang winning combination na 06-12-18-20-32-41, ayon sa ahensya.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
Kaugnay nito, wala ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw kung saan aabot sa ₱215,732,438.60 ang jackpot nito sa winning combination na 37-48-19-15-57-39.