Pinatunayan ng dalawang senior citizens mula sa Quezon Province na talagang “age is just a number” matapos nilang matagumpay na maakyat ang tuktok ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas na “Mt. Apo” sa edad na 65 at 64.

Sa ulat ni Kuya Kim Atienza sa “#KuyaKimAnoNA” ng 24 oras, inihayag nina Lola Imelda, 65, at Lola Juliana, 64, na matagal na nilang pangarap ang makaakyat sa Mt. Apo dahil napapanood daw nila sa telebisyon ang pinakamataas na bundok sa bansa.

Kaya naman sa kabila raw ng kanilang mga edad, mula Quezon ay nagtungo sina Lola Juliana at Lola Imelda sa Mindanao para akyatin ang Mt. Apo na may taas na 9,692 ft. above sea level.

Ayon sa dalawang lola, nahirapan daw sila sa pag-akyat sa naturang bundok dahil sa maputik at maulan, at nang dumilim na raw ay gininaw rin sila.

2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo

Ngunit hindi sila nagpatinag at matagumpay na ngang naakyat ang Mt. Apo.

“Hindi po kami sumuko, nandoon po ‘yung pagtitiwala namin sa ating Ama na makapangyarihan,” ani Lola Juliana.

“Nagpapasalamat po kami sa ating Ama sapagkat ‘yun pong mga nilikha niya ay aming natanaw. Napakaganda,” saad naman ni Lola Imelda.

Kaugnay na Balita: