Ibinahagi ng kontrobersiyal na Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang pagdalo niya sa isang worship service nitong Linggo, Disyembre 10.

Makikita sa kaniyang Instagram story ang video ng ilang kabataang sumasayaw at nagpupuri habang kumakanta ng isang worship song.

Ang tanging caption lang dito ni Blythe ay "Sunday" at may emojing heart.

Photo courtesy: Screenshot from Andrea Brillantes (IG)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang naiisyu si Andrea sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakakaladkad din ang pangalan niya sa hiwalayang Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Sa kabila nito, sinabi ni Andrea sa panayam sa kaniya ni MJ Marfori na kailangan niyang magtrabaho at magtuloy-tuloy lang.