Naghayag ng suporta si House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante Jr. sa panawagan ni Senate President Migz Zubiri na pauwiin na sa China si Chinese ambassador Huang Xilian matapos ang mga naging pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas.

Kaugnay nito, matatandaang hinikayat ni Zubiri si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo, Disyembre 10, na pauwiin na umano sa China si Xilian dahil wala naman umano itong ginagawa para solusyunan ang naturang pag-atake ng CCG.

https://balita.net.ph/2023/12/10/zubiri-sa-pag-atake-ng-ccg-sa-ph-vessels-they-have-no-heart/

National

PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

"I would also like to support the call of the Senate President Migz Zubiri na dapat sigurong i-recall natin ang ating ambassador sa China,” saad naman ni Abante sa isang panayam nitong Lunes, Disyembre 11.

"Kinakailangan na rin siguro pabalikin natin ‘yung ambassador ng China dito, sa China, for us to be able to tell the Chinese government, 'Di namin gusto yung ginagawa ninyo,” dagdag pa niya.

Samantala, kinondena rin ng mambabatas ang nangyaring pambobomba ng tubig ng CCG, at nanawagang ihinto na ang naturang mga pag-atake dahil wala naman umano itong mabuting naidudulot.

“I would like to say this now, bilang chairman ng Committee on Human Rights, this is the most glaring violation of human rights done by the Chinese government," giit ni Abante.

"I'm calling na sana ihinto na po nila ito because it's not actually helping even them,” saad pa niya.