“This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them. They have no heart.”

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri matapos muling atakihin ng China Coast Guard (CCG) ang vessels ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Linggo, Disyembre 10.

Matatandaang kinumpirma ng National Task Force-West Philippine Sea nitong Linggo ang pambobomba ng tubig ng CCG sa vessels ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa resupply mission sa Ayungin.

National

PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

Mariin namang kinondena ni Zubiri ang naging pag-atake ng China sa pamamagitan ng isang pahayag nito ring Linggo.

“This time, China not only caused us great damage to property but they also put Filipino lives at risk,” ani Zubiri.

“They have gone from unlawfully blocking us from navigating our own waters to now deliberately damaging our vessels and endangering the lives of our people,” saad pa niya.

Binigyang-pugay naman ng senate president ang BFAR, Philippine Coast Guard at Philippine Navy dahil sa patuloy umano nilang pagtindig sa “pambu-bully” ng China.

“May you be steadfast in upholding the integrity of our territory and our exclusive economic zone,” aniya.

Samantala, hinikayat ni Zubiri si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na pauwiin na umano sa China si Chinese ambassador Huang Xilian.

“He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” giit ni Zubiri.

Matatandaang nito lamang ding Linggo nang ihayag din ni Senador JV Ejercito ang kaniyang pagkondena sa pag-atake ng CCG, kung saan nanawagan din siyang pauwiin na umano sa China si Xilian at ideklarang persona non grata sa bansa.

https://balita.net.ph/2023/12/10/jv-ejercito-nanawagang-i-persona-non-grata-ang-chinese-envoy-sa-ph/