May inispluk ang social media personality na si Rendon Labador tungkol sa isang personalidad na wala umanong supporters.

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Sabado, Disyembre 9, mababasa ang ilang detalye tungkol sa nasabing personalidad.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Dati sa lahat ng sinita kong personalidad, ang nag-iisang tao lang na hindi ako na-bash at puro good comments at minahal ako ng tao ay si,” pambibitin ni Rendon.

“Lahat kasi na-bash talaga ako, pero itong tao na ‘to, never akong naka-receive ng masama. At puro pa papuri,” aniya.

Dagdag pa niya: “Ibig sabihin, ayaw siya ng buong Pilipinas. At wala siyang supporters kahit isa. Walang iba kung hindi si CF.”

May isang netizen ang sumubok hulaan ang initials sa pa-blind item ni Rendon at sinabing si showbiz columnist Cristy Fermin umano ang tinutukoy nito.

Sa kasalukuyan, hindi pa kinukumpirma o itinatanggi ni Rendon ang tungkol dito.

Pero kung matatandaan, ilang beses nagkabatuhan ng maaanghang na pasaring sa isa’t isa sina Rendon at Cristy.

MAKI-BALITA: Rendon Labador, kinakabahan kay Cristy Fermin

MAKI-BALITA: Buwelta ni Rendon kay Cristy: ‘Palibhasa hindi ka na nadidiligan’

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, pinatutsadahan si Rendon: ‘Nagpapapansin na naman’

MAKI-BALITA: Rendon goosebumps kay Cristy: ‘Buhay pa pala ‘yan… akala ko talaga patay na ‘to’

MAKI-BALITA: Isang ‘tolongges’ tinalakan ni Cristy Fermin: ‘Mahilig kang makisawsaw!’