Ibinida ng batikang aktres na si Susan Africa ang karakter niyang gagampanan sa isang bagong pelikula.

Sa Facebook post ni Susan nitong Linggo, Disyembre 10, makikita ang pasilip at ilang detalye sa kaniyang karakter.

“Character: Hindi mahirap. Hmmm... 😉 At never ng uubo 😆 Move on na tayo ❤️” saad ni Susan sa caption ng kaniyang post.

https://web.facebook.com/photo/?fbid=875793390681058&set=a.260271718899898

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“How To Be A Good Wife” ang pamagat ng nasabing pelikula na ididirek ni Jun Robles Lana. Makakasama rito ni Susan sina Janella Salvador at Jane De Leon.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hello po donya Nita baka po makaalbor khit singsing lng 😄😅😘”

“Pwede pa ring umubo ang mayaman.ubong mayaman nga lang.😁.Congratz for a new role.Versatile actor now and then.”

“mahirap or mayaman na nanay keri lang ang ganapan at actingan ... sana mapanood qoh yan”

“Sya pa din ang aming Ate Sylvia - Batang Sesame ❤️”

“Love it sis 🥰”

“wag na po kayo babalik sa hirap kahit kasama nyo na si Rhoda… pede naman kayo mag live selling ng mga alahas na naipon nyo”

“Mahirap man o mayaman magaling na artista prn po kayo 🥰🥰🥰”

“Hello donya Nita....Ang Ganda mo po...realtalk talk lang po...🥰😍😍😍”

Kasalukuyang gumaganap si Susan sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang ina ng karakter ni Lovi Poe na sii “Mokang” o “Monique”.

Matatandaang nag-trending kamakailan ang kaniyang character development sa nasabing serye dahil sa wakas ay nagawa rin umano niyang makaahon mula sa api-apihan roles.

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles

Pero mukhang babalik ulit siya sa hirap matapos matuklasan ang tunay na ugali ng napangasawa ni Mokang na ginagampanan ng karakter ni Christopher De Leon. 

MAKI-BALITA: Balik sa ubuhing roles? Susan Africa naghirap na naman