Ipinagdasal ni Pinoy Boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaligtasan ng katunggali niyang Mexican boxer na si Isaac Avelar matapos niya itong patumbahin.

Sa X post ni Mark nitong Linggo, Disyembre 10, sinabi niya na bagama’t pareho silang boksingero ay magkapatid naman ang turing nila sa isa’t isa sa labas ng ring.

https://twitter.com/markmagsayo_MMM/status/1733690520915026273

“I am praying for the safety of my opponent Isaac Avelar in the end we are boxers and outside the ring we are brothers,” pahayag ni Mark.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa niya: “We are fighting for our families and our countries. I hope Isaac is okay. 🙏🏽”

Sa 3rd round ay tuluyang bumulagta sa canvas ng ring si Isaac matapos bumulusok ang kaliwang kamao ni Mark sa mukha ng Mexican boxer.

Dahil dito, nasemento ni Mark ang kaniyang boxing win-loss record na 25-2 na may kasamang 17 knockouts.