Isang magnitude 4.3 na lindol ang muling nagpayanig sa Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, Disyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:32 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 58 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 18 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Samantala, wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.