Muling nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na ngayong Disyembre bago ibalik ang mahigpit na implementasyon ng "No Registration, No Travel" policy sa Enero 2024.

Inilabas ni LTO chief Vigor Mendoza II ang panawagan kasunod na rin ng muling pag-arangkada ng motor vehicle registration caravan sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City nitong Sabado.

Layunin ng hakbang na mabigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng mga sasakyang expired ang registration, na makapagparehistro

“Sa pagsasagawa ng motor vehicle registration caravan, ipinapakita namin sa LTO na hindi lang kami puro enforcement. We will be going to bring the services of the LTO closer to our clients,” banggit pa ni Mendoza.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev