Maaagaw na ba ni Kathryn Bernardo sa kaniyang kapuwa Kapamilya star na si Anne Curtis ang korona bilang most followed Filipino celebrity sa social media platform na Instagram?

Habang isinusulat kasi ang artikulong ito, umakyat na sa 20 milyon ang followers ni Kapamilya star Kathryn Bernardo

Samantala, nasa 20.1 milyon naman ang followers ngayon ni Anne sa kaniyang Instagram account.

Matatandaang noong Abril ay sinabi pa niyang grateful umano siya nang umabot sa 19 milyon ang kaniyang mga tagasubaybay. 

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

MAKI-BALITA: Reyna pa rin sa Instagram PH: Followers ni Anne Curtis, tumabo na ng higit 19M

Tila nakuha ni Kathryn ang simpatya ng madlang netizen matapos nilang kumpirmahin ng ex-jowa niyang si Daniel Padilla ang umuugong na balita tungkol sa hiwalayan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Pero bago sila nagkahiwalay, 11 taon silang nagkasama bilang mag-couple. Nagsimula umano ang kanilang relasyon noong 2012.