Ipinanukala ng isang kongresista na sirain kaagad ang mga nakukumpiskang illegal drugs upang matiyak na hindi na ito ma-recycle.

Sa iniharap na House Bill No. 9668 o ang "Prompt Dangerous Drugs Destruction Act of 2023" na inakda ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, iniuutos nito sa mga law enforcement agency na agad na wasakin ang mga nasasamsam na droga.

Iminumungkahi rin nito sa lahat ng incineration facilities, kabilang na ang mga crematorium, na magbigay ng libreng serbisyo sa pagsira sa illegal drugs na nakukumpiska sa operasyon.

"Kung maisasa-batas natin ito, mapipigilan na natin ang pilferage at recycling ng illegal na droga at wala ng dahilan ang ating mga anti-drug agent na tumagal pa sa kanilang kustodiya ang anumang ilegal na droga na kanilang nakumpiska," anang kongresista.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

“Kung maipagagamit sa atin ng libre ang mga incineration at cremation facilities para sunugin agad-agad ang mga kumpiskadong droga, maiiwasan na ang drug pilferage at recycling na matagal nang kinakaharap ng ating lipunan," dagdag pa ng mambabatas.

PNA